THONY ARCENAL NG PILIPINO MIRROR BAGONG PREXY NG BULACAN PRESS CLUB

BULACAN- MAAYOS at mapayapang naisagawa ang halalan sa Bulacan Press Club Incorporated (BPCI) sa punong tanggapan nito sa Capitol Compound Malolos City.

Pinangasiwaan ni Provincial Commission on Election Officer Atty.Mona Ann T Aldana-Campos at talong iba pa ang eleksyon na nagsimula ng 12:30 ng hapon at natapos ng alas-3:00 ng hapon nitong nakaraang Biyernes.

Sa 29 na kabuuang botante ng isa sa pinakamatandang samahan ng mamamahayag sa lalawigan ng Bulacan, 22 ang nakapagbigay ng sagradong boto.

Base sa tala ng Comelec, nakakuha ng 20 boto bilang bagong Pangulo ng samahan si Thony DP Arcenal ng Pilipino Mirror at stringer ng TV5 habang nakakuha naman ng 19 na boto si Harold T Raymundo ng Mabuhay Online News bilang Pangalawang Pangulo.

Nakakuha rin ng tig-20 boto sina Andres Petallan ng Dyaryong Tagalog bilang Kalihim at Jenny Raymundo ng Mabuhay News bilang Ingat-Yaman at 19 boto naman si Evelyn Tenorio ng Bulacan Tribune bilang Auditor.

Habang 8 kandidato sa pagka-boardmember ang naglaban kung saan 7 ang nakakuha ng supisyenteng boto kabilang dito sina Vhioly Arizala ng Ronda Balita; Ernie Caoc ng Tele Coop; Manny Dela Cruz ng Ronda Balita; Salome Lariosa ng Dyaryong Tagalog; Dick Mirasol ng Remate; Mary Ann Naduma ng Dyaryo Arangkada; Donato Teodoro ng Eye Watchers at Virna Santos ng Unlinews Online.

Nagpapasalamat si BPCI Past President Omar Padilla sa mga miyembro na nakiisa sa mapayapang halalan,maging sa pamunuan ng Commision on Election sa Bulacan na naglaan ng oras sa mahalagang halalan ng mamamahayag sa probinsya ng Bulacan.