THUNDER DUMAGUNDONG

thunder

NAITALA ni Russell Westbrook ang kanyang ika-107 career triple-double upang pangunahan ang Oklahoma City Thunder sa 100-83 panalo laban sa bumibisitang Cleveland Cavaliers noong Miyerkoles ng gabi.

Nagbuhos si Westbrook ng 23 points, 19 rebounds at 15 assists. Nagdagdag si Jerami Grant ng 21 points at gumawa si Paul George ng 18 para sa Thunder.

Sinelyuhan ni Westbrook ang kanyang triple-double sa third quarter. Napantayan nito si Jason Kidd sa ikatlong puwesto sa ka-saysayan ng NBA sa likod nina Oscar Robertson (181) at Magic Johnson (138).

TRAIL BLAZERS 115, MAGIC 112

Nagpakawala si Damian Lillard ng 41 points at nagtala ng franchise record para sa 3-point shots na naiposte sa isang laro nang gapiin ng Portland ang bumibisitang Orlando. Kumana si Lillard ng 10-for-15 mula sa 3-point range at humugot din ng walong rebounds habang pinutol ng Trail Blazers ang three-game losing streak.

Binura ni Lillard ang team record na siyam na  3-pointers.

Umiskor si Nik Stauskas ng 18 points mula sa bench at tumapos si Jusuf Nurkic na may 16 points at 13 rebounds para sa Port-land.

Nakalikom si Nikola Vucevic ng 20 points, 8 rebounds at 7 assists para sa  Magic, habang nag-ambag si Evan Fournier ng 17 points.

CLIPPERS 115, SUNS 99

Kumabig si Danilo Gallinari  ng 28 points at 10 rebounds, at nagdagdag si  Lou Williams ng 20 points nang igupo ng Los An-geles ang bumibisitang Phoenix.

Sa panalo ay tumabla ang Clippers sa ­unang puwesto sa Western Conference.

Na-outscore ng Los Angeles ang Phoenix, 40-25, sa third quarter, sa likod ng  12 points ni Gallinari. Nalasap ng Clippers ang ikatlong sunod na panalo, kinuha ang kanilang eighth victory sa huling siyam na laro at umangat sa 9-1 sa home.

Umiskor si Devin Booker ng 23 points at nagdagdag si Elie Okobo ng 19 para sa Suns, na nalasap ang ikatlong sunod na kabi-guan at ika-6 sa huling pitong laro.

MAVERICKS 128, ROCKETS 108

Nagbigay ng suporta sina reserves J.J. Barea at Devin Harris sa balanced attack sa panalo ng bumibisitang Dallas laban sa ku-lang sa taongHouston.

Naitala ni Harris ang 15 sa kanyang  20 points sa fourth quarter habang nagposte si Barea ng double-double na 13 points at 12 assists sa loob lamang ng 17 minuto.

Naghabol ang Rockets ng hanggang 26 points bago natapyas ang kalamangan sa limang puntos sa huling bahagi ng third quar-ter.

Nalasap ng Houston ang ika-4 na sunod na pagkatalo matapos ang five-game win streak. Nagwagi ang Dallas sa ika-7 pagka-kataon sa walong laro.

TIMBERWOLVES 128, SPURS 89

Sa iba pang laro ay nasingitan ng Bucks ang Bulls, 116- 113;  ginutay ng Jazz ang Nets, 101-91; pinataob ng 76ers ang Knicks, 117-91; iginupo ng Pelicans ang Wizards, 125-94; at kinatay ng Hornets ang Hawks, 108-94.

Comments are closed.