THUNDER GINIBA ANG CELTICS

NAGBUHOS si Shai Gilgeous-Alexander ng 33 points upang pangunahan ang Oklahoma City Thunder sa 105-92 panalo laban sa NBA champion Boston Celtics noong Linggo para sa franchise record 15th straight win.

Sa ika-4 na sunod na laro, ang Western Conference-leading Thunder ay nagwagi makaraang maghabol ng hindi bababa sa isang dosenang puntos.

Naitala ni Thunder forward Luguentz Dort ang 11 sa kanyang 14 points sa fourth quarter, nagsalpak ng back-to-back three-pointers upang bigyan ang Oklahoma City ng 100-88 kalamangan, may 1:59 ang nalalabi.

Ipinasok ni Dort ang isa pa mula sa arc upang tapusin ang scoring sa final minute.

Sa larong pinaniniwalaang isang potential NBA Finals preview, nalimitahan ng Thunder ang Celtics sa 27 points lamang sa second half, pinutol ang three-game winning streak ng Boston.

“We’re out there having fun,” sabi ni Dort. “Anytime somebody does something well, we’re always out there cheering for them. We’ve been building this chemistry for years, and we’re clicking right now.”

Ang laro ay pangalawa sa tatlong sunod ng Thunder laban sa top three teams sa Eastern Conference.

Noong Biyernes, humabol sila upang putulin ang nine-game winning streak ng third-place Knicks.
Matapos ang second-place Celtics, susunod na makakaharap ng 30-5 Thunder ang Eastern Conference-leading Cavaliers sa Cleveland sa Miyerkoles.

Naitala ng Cavaliers ang kanilang ika-10 sunod na panalo, at hinila ang kanilang league-best record sa 31-4 sa 115-105 panalo kontra Charlotte Hornets.

Umiskor si Darius Garland ng 25 points, nagdagdag si Jarrett Allen ng 19 points at 11 rebounds at nalusutan ni Donovan Mitchell ang mabagal na simula upang tumapos na may 19 points para sa Cleveland na umangat sa 18-1 sa home.

Sa In Houston, kumabig si Jalen Green ng 33 points at nagdagdag si Amen Thompson ng 23 points at 16 rebounds para sa Rockets, na ginapi si LeBron James at ang Los Angeles Lakers, 119-115.

Umiskor si Fred VanVleet ng 15 points at naagaw ang inbounds pass ng Lakers para kay James, may 5.7 segundo ang nalalabi at angat ang Rockets ng 3 points.

Samantala, nalusutan ng Sacamento Kings ang pagliban ng kanilang top scorer na si De’Aaron Fox upang ibasura ang Golden State Warriors, 129-99, sa San Francisco.