UMISKOR si Shai Gilgeous-Alexander ng 33 points sa 10-for-22 shooting, at pinatahimik ng Oklahoma City Thunder ang Minnesota Timberwolves, 102-97, Sabado ng gabi sa Minneapolis.
Tumapos si Jalen Williams na may 20 points para sa Oklahoma City, na nanalo sa ika-6 na pagkakataon sa kanilang huling walong laro. Tumipa si Chet Holmgren ng 15 points at nagdagdag si Luguentz Dort ng 14.
Nakakolekta si Karl-Anthony Towns ng 19 points at 11 rebounds para sa Minnesota. Gumawa rin si Anthony Edwards ng 19 points at nag-ambag si Naz Reid ng 18 mula sa bench para sa Timberwolves, na naputol ang four-game winning streak.
Humabol ang Thunder mula sa six-point deficit sa final 4:28.
Bucks 141, Pistons 135
Nagbuhos si Damian Lillard ng season-high 45 points at ginapi ng bisitang Milwaukee Bucks ang Detroit Pistons.
Nagbigay rin si Lillard ng 11 assists at kumalawit ng 6 rebounds, habang nagsalansan si Giannis Antetokounmpo ng 31 points, 10 rebounds at 9 assists. Nagdagdag si Brook Lopez ng 19 points, 10 rebounds at 3 blocks. Tumabo si Khris Middleton ng 17 points.
Ang Bucks ay nanalo sa 20 sa huling 21 regular-season meetings, kabilang ang huling walong matchups. Sasalang sila sa rematch sa Lunes sa Detroit.
Nanguna si Alec Burks para sa Detroit na may 33 points, 7 rebounds at 6 assists. Nagtala si Ausar Thompson ng 22 points at 9 rebounds para sa Pistons, nagdagdag si Bojan Bogdanovic ng 19 points at kumabig si Jaden Ivey ng 18 points at 6 assists.
Spurs 131, Wizards 127
Naitala ni Jeremy Sochan ang lima sa kanyang 23 points sa final minute upang tulungan ang San Antonio Spurs na humabol mula sa 12-point, fourth-quarter deficit tungo sa panalo laban sa host Washington Wizards.
Isang back-and-forth contest sa buong laro, walang koponan ang lumamang ng mahigit 8 points sa unang tatlong quarters. Bumanat ang Washington ng 10-0 run sa kaagahan ng fourth, gayunman, at angat sa 121-109, may limang minuto ang nalalabi.