THUNDER PINATAHIMIK NG KINGS

KINGS VS OKC

NAAGAW ni Yogi Ferrell ang bola kay Russell Westbrook at umiskor ng buzzer-beating layup sa pagtatapos ng first half, na naging tuntungan ng Sacramento Kings upang itarak ang double-digit na kalamangan tungo sa 131-120 panalo laban sa host Oklahoma City Thunder noong Linggo ng gabi.

Ang hoop ni Ferrell ang nagtuldok sa personal five-point burst sa huling 10.3 segundo ng second period at sa 15-4 run ng Sacramento upang tapusin ang half.  Ang  surge ay nagbigay sa Kings ng bentahe na hindi na nila binitiwan tungo sa pagputol ng kanilang season-opening, two-game losing streak.

Tumipa si Westbrook, nasa kanyang season debut matapos ang offseason knee surgery, ng 32 points para sa Thunder (0-3).  Ang Oklahoma City ay sumalang sa kanilang home opener matapos ang road losses laban sa Golden State at Los Angeles Clippers.

Tumapos si Iman Shumpert ng Sacramento na may team-high 26 points habang nagdagdag si De’Aaron Fox ng 22 points at 10 assists.

Gumawa si Paul George ng 29 points para sa Thunder, na nakakuha ng 10 points at 14 rebounds mula kay Steven Adams.

NUGGETS 100, WARRIORS 98

Tumabo si Gary Harris ng 28 points,  nasupalpal ni Juancho Hernangomez ang last-second layup ni Damian Jones, at ginapi ng host Denver ang Golden State upang umangat sa Western Conference-best 3-0.

Nagsalansan si Nikola Jokic ng 23 points at 11 rebounds para sa  Denver, na nagwagi sa kabila ng pagmintis sa 18 free throws at pagbuslo ng 6-for-32 mula sa 3-point arc.

Tumirada si Stephen Curry ng  30 points at nagposte si Kevin Durant ng 20 points at 11 rebounds para sa Warriors,  na humabol mula sa 13-point deficit subalit hindi naipuwersa ang overtime.  Ang  defending NBA champions ay nanalo sa kanilang naunang dalawang laro ngayong season.

CLIPPERS 115, ROCKETS 112

Kumamada si Tobias Harris ng 23 points at nagdagdag si Danilo Gallinari ng 20 upang tulungan ang host Los Angeles na igupo ang  Houston.

Nagtala si Montrezl Harrell ng 17 points at 10 rebounds nang magwagi ang Clippers ng dalawang sunod buhat nang matalo sa kanilang season opener. Gumawa sina Lou Williams at Shai Gilgeous-Alexander ng tig-12 points para sa  Los Angeles, na naipasok ang lahat ng kanilang 26 attempts sa free throw.

Tumipa si James Harden ng 31 points at 14 assists subalit nagmintis sa tying 3-pointer sa buzzer at natalo ang Rockets sa ikalawang pagkakataon sa tatlong laro.

Naglaro ang Rockets  na wala si point guard Chris Paul, na nagsilbi ng una sa two-game suspension matapos masangkot sa kaguluhan sa laro laban sa Los Angeles Lakers noong Sabado.

HAWKS 133, CAVALIERS 111

Nagpasabog si rookie Trae Young ng career-high 35 points upang tulungan ang Atlanta na mamayani sa Cleveland para sa unang panalo nito sa  season.

Ito rin ang ­unang panalo sa tatlong pagtatangka para kay first-year Atlanta coach Lloyd Pierce.  Pinutol ng Atlanta,  natalo sa 15 sa kanilang huling 19 laro laban sa Cleveland, ang three-game losing streak sa Cavs.

Bumagsak ang Cleveland sa 0-3 sa season.

Si Young ay 13-for-23 mula sa field, kung saan naipasok niya ang  6 of 14 3-point attempts, at nagbigay ng 11 assists. Nag­dagdag si Kent Bazemore ng 23 points para sa Hawks.

Nanguna si Jordan Clarkson para sa Cleveland na may 19 points habang nagdagdag si Kevin Love ng 16 points at 17 rebounds.

Comments are closed.