NAGTUWANG sina Jrue Holiday at Julius Randle ng 65 points upang pangunahan ang host New Orleans sa 131-122 panalo laban sa Oklahoma City Thunder, subalit nawala sa Pelicans si All-Star forward Anthony Davis dahil sa shoulder injury.
Hindi nakapaglaro si Davis sa second half, at tumapos na may 14 points at 4 rebounds sa loob ng 15 minuto. Hindi agad nalaman kung dahil sa injury ay hindi makapaglalaro si Davis sa All-Star Game sa Linggo sa Charlotte, N.C.
Nagbuhos si Randle ng 33 points at 11 rebounds, at nagdagdag si Holiday ng 32 points. Umiskor si E’Twaun Moore ng 15 points at gumawa si Jahlil Okafor ng 12 nang makabawi ang New Orleans mula sa dalawang sunod na pagkatalo.
Napalawig ni Russell Westbrook ang kanyang NBA record nang bumanat ng ika-11 sunod na triple-double na may 44 points, 14 rebounds at 11 assists upang pangunahan ang Thunder. Nagdagdag si Paul George ng 28 points, at nagposte si Nerlens Noel ng 22.
KNICKS 106, HAWKS 91
Tumipa si Dennis Smith, Jr. ng 19 points nang putulin ng New York ang 18-game losing streak sa pagdispatsa sa Atlanta.
Ang New York ay hindi pa nananalo magmula noong Enero 4 laban sa Los Angeles Lakers. Sa naturang streak, ang Knicks ay nabigo sa anim na road games at 12 sa home. Ang 18-game skid ay franchise record para sa isang season.
Nakakuha ang Knicks ng 14 points mula kay ex-Hawk John Jenkins, na sumalang sa kanyang ikalawang laro pa lamang sa koponan, gayundin ng 14 points at 9 rebounds mula kay Allen. Nanguna si Dewayne Dedmon para sa Hawks na may 21 points, habang umiskor sina Trae Young at Kent Bazemore ng tig-16 at nagdagdag si Young ng 11 assists.
MAGIC 127,
HORNETS 89
Nakalikom si All-Star Nikola Vucevic ng 17 points at 11 rebounds para sa kanyang ika-41 double-double sa season nang gapiin ng Orlando ang bumibisitang Charlotte para sa kanilang ika-5 sunod na panalo.
Pinutol ng Magic ang 13-game losing streak sa Hornets na nagmula pa noong 2015-16 season. Kontrolado nila ang kabuuan ng laro kung saan kumarera ang Magic sa 15-point lead makalipas ang isang quarter at umabante ng hanggang 35 sa halftime. Ang kanilang pinakamalaking kalaman-gan sa second half ay 40.
Nanguna si Terrence Ross para sa Magic na may 21 points, habang si Malik Monk ang top scorer para sa Hornets na may 15 points.
Comments are closed.