KINUMPIRMA ng Partido Komunista ng Pilipinas ang pagkamatay ng mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon na kapwa opisyal ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa kamay ng militar matapos na masabat umano ng mga sundalo noong August 21, 2022.
Sa mensaheng ipinarating ng CPP sa ilang kasapi ng media ng isang Marco Balbuena at sa kanilang website na “philippinerevolution.nu’ ay sinasabing naharang ng militar ang mag asawaat walong iba pa .
Sa allegation ng naabing grupo, ang pagpatay ay naganap nang dakpin ang mga ito habang sakay ng dalawang van Catbalogan City.
Hinarang umano ang grupo ng mag-asawang Tiamzon at doon na nawala ang mga ito at hindi na nakita pang muli.
Hinala ng grupo na pinahirapan ang mag-asawa kasama ang walong iba nang sumabog ang sinasakyan nilang bangka matapos makasagupa ng tropa ng pamahalaan.
Hindi kaagad nakapaglabas ng kanilang reaksyon kahapon ang Armed Forces of the Philippine particular sina AFP PIO chief Jorry Baclor at AFP Spokesman Col Medel Aguilar na pawang nasa biyahe nang lumabas ang ulat.
VERLIN RUIZ