HINDI pababayaan ng mga Tiangco ang Navotas, kaya naman sa pagtatapos ng termino ni Mayor John Rey Tiangco, ang kanyang nakatatandang kapatid na si Cong. Toby Tiangco ang tatakbo bilang alkalde ng lungsod.
Kahapon ay nag-file ng certificate of candidacy (COC) si Toby Tiangco sa Commission on Election (Comelec) sa Navotas kasama ang kanyang ka-tiket sa Partido Navoteño na si Vice Mayor Clint Geronimo, District I konsehal na sina Jack Santiago, Atty. Ethel Joy Arriola-Mejia, Alvin Nazal, Eddie Maño, Arvie Vicencio at Julia Monroy habang nasa District II naman sina Engr. Don de Guzman, Jr., Arnel Lupisan, Migi Naval, Cesar Justine Santos, Tito Sanchez at Neil Cruz.
Habang naunang nagsumite ng COC si Mayor John Rey para tumakbo naman bilang kongresista.
Layunin ng Partido Navoteño na mas paangatin pa ang pangalan ng Navotas at paunlarin ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pagkakaisa.
Samantala, tatakbo sa pagka-alkalde ng Malabon City si Vice Mayor Jeannie Sandoval sa 2019 midterm elections.
Sama-samang nag-file ng kanilang certificate of candidacy (COC) si Sandoval sa partidong “Team Kakampi” ng Nacionalista Party, kahapon.
Kasama ni Sandoval sina running mate vice mayor Maricar Torres, District 1 Councilors Jon Cruz, Miel Delos Reyes, Payapa Ona, Menchie Santos at RJ Yambao; District 2 councilors na sina JC Cagaanan, Ryan Geronimo, Eddie Nolasco, Monet Pabustan, Sally Trinidad at Nadja Vicencio.
Si Congressman Ricky Sandoval ay naghain ng kanyang COC sa pagka-kongresista sa PDP-Laban bago dumalo sa isang assembly sa abroad noong Oktubre 12. VICK TANES