TIAONG IDINEKLARANG INSURGENCY-FREE MUNICIPALITY

QUEZON- IDINEKLARA nang Insurgency Free Municipality at Stable Internal Peace and Security (SIPS) ang bayan ng Tiaong.

Pinangunahan ni Mayor Vincent Arjay Mea na siyang chairman ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) ang ceremonial signing of Memorandum of Understanding kaugnay sa inilunsad na Insurgency-Free kabilang sina Vice-Mayor Roderick Umali, Coun. Eula Lopez bilang kinatawan ni Governor Doktora Helen Tan kasama rin sina APC-SL Commander LtGen Rhoderick Armamento, PRO4 RD LtGen Carlito Gaces, PRO4 IAS RD BGen Joseph Bayan, Quezon PD Col Ledon Monte,201st Infantry Brigade 2ID PA Commander BGen Erwin Alea,Tiaong Chief of Police LtCol Marlon Cabataña.

Ang bayan ng Tiaong ang pang-40 bayan sa lalawigan ng Quezon na naideklarang Insurgency Free Municipality.

Ayon kay Mayor Mea hiniling nito sa mga kapitan ng tatlumpu’t isang (31) barangay sa naturang bayan na maging mapagmatyag sa kani-kanilang mga barangay dahil hindi ito magagawa ng kapulisan, kasundaluhan at mga opisyal ng pamahalaang bayan kung walang koordinasyon mula sa mga barangay.

Dagdag pa ng alkalde na napaka-importante na madeklara ang bayan ng Tiaong na insurgency free para makaakit umano ng mga investor o mamumuhunan sa kanilang bayan na magbibigay ng oportunidad sa hanapbuhay at magbibigay kaunlaran sa kanilang bayan.

Naniniwala si Mayor Mea na ang dahilan ng pagkakaroon ng insurgency at mga lawless elements sa komunidad ay ang kahirapan. BONG RIVERA