NAKAISA na ang Barangay Ginebra laban sa defending Commissioner’s Cup champion at sister team San Miguel Beer. Grabe, tambakan blues ang nangyari. Kitang-kita na gustong-gusto ng Kings na maagaw ang kampeonato. Sa aking pagkakaalam ay ito na lang ang ‘di pa nila nakukuha. Lahat ng players ng Ginebra ay umiiskor at ganadong maglaro sa Game 1 noong Friday. Kagabi ang Game 2 para sa best-of-seven finals showdown ng mag-sister team. Ang tanong, makabawi kaya ang mga bataan ni coach Leo Austria?.
oOo
Game 1 pa lang noong Friday ay parang championship game na ng Ginebra at SMB. Ang tickets para sa Game 2 ay mabilis na naubos. Balita pa nga namin ay pati ang tickets sa Game 3 ay paubos na rin. Parang hot cakes ang tickets. Ang nakapagtataka, bakit ang daming hawak na tickets ng scalpers. Saan nila ito nakukuha? Nagtatanong lang po, kasi ang nabibili na lang sa Araneta Coliseum ay general admission at SRO, ibig sabihin walang upuan.
oOo
Congrats naman kay Kume Willie Marcial, maganda ‘yung ginagawa niya. Nag-invite siya sa PBA championship ng ex-players, coaches o naging involved sa PBA. Tapos ay ipinakikilala ito at ipinakikita sa TV. Noong Game 1 ay inumpisahan ang ex-PBA players at mga naging coach tulad nina Freddie Webb, coach Orly Castelo, Jimmy Manansala, Chito Bugia at isa pang dating player na ‘di ko na matandaan ang name, medyo may edad na. Congrats, kume Marcial.
oOo
Napasyalan ko naman ang pa-tryout ni coach Mark Herrera ng AMA Online Education sa may Project 20. Sasali ang AMA Online sa PBA-MBT 25 Under. Kaya noong Saturday morning ay dinagsa ang naturang tryout. Homegrown ang liga na kina-kailangan ay totally na taga-Quezon City ang players na siyang dadalhin ng koponan sa PBA-MBT 25 Under. Good luck, coach Mark Herrera, kasama ang coaching staff niya na kinabibilangan nina coach Edwin Ancheta at Benjamin Diswe.
Comments are closed.