TIGANG SA LAMBING NANUNOG NG BAHAY

bahay

PANGASINAN – SISING ali­pin ang isang ginang makaraang hindi pagbigyan ang karelasyon sa paglalambing nito na nag-udyok sa huli para sunugin ang kanilang bahay sa bayan ng Calasiao.

Ayon sa ginang na si Norma Asusito, hindi nito inasahang gagawin ng kaniyang live-in partner na si Mi-rante Macalang ang pagsunog sa kanilang bahay.

Ito ay kasunod ng pagtanggi nito kay Mirante na magtalik.

Nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa matapos hindi pagbigyan ni Asusito si Macalang, kaya nagde-sisyon ang ginang na lumabas na muna ng kanilang bahay.

Doon na pala bumili ng gas ang suspek saka ito ibinuhos at sinilaban ang bahay.

Huli na nang makita ni Asusito ang nasusunog nilang bahay na tinangka pa sana nitong buhusan ng tubig ngunit mabilis itong kumalat lalo’t gawa lamang ito sa light material.

Nahaharap naman sa kasong arson ang suspek na sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan.PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.