NASUNGKIT ni Tiger Woods ang kanyang unang titulo magmula noong 2013 nang madominahan ang Tour Championship sa East Lake Golf Club sa Atlanta at pinatunayan sa golf world na hindi pa siya kumukupas.
Abante si Woods sa buong final round at tinapos ang 11-under par na dalawang strokes ang lamang sa pinakamahigpit nitong katunggali na si Billy Horschel.
Sa tagumpay ay lumapit si Woods ng dalawang panalo sa all-time record na 82 titles ni Sam Snead.
“I was having a hard time not crying coming up the last hole,” wika ni Woods.
“It was just a ground out there. I loved every bit of it, the fight, the grind, the tough conditions.
“You just had to suck it up and hit shots.”
Nauna nang pinagdudahan kung ang 42-anyos ay makapaglalaro sa full schedule makaraang sumailalim sa spinal fusion surgery noong Abril 2017.
“My body was a wreck,” ani Woods, na umasang maaalis na ang kanyang back at leg pain.
Matapos ang tagumpay ay inulan ng pagbati ang 14-time major winner.
Comments are closed.