Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
9 a.m. – AdU vs FEU (Women)
11 a.m. – DLSU vs UE (Women)
2 p.m. – AdU vs UE (Men)
4 p.m. – UP vs NU (Men)
MULING nadominahan ng University of Santo Tomas ang Far Eastern University, 57-53, upang matikas na tapusin ang kanilang season sa duelo ng last-placed squads sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
May dalawang panalo lamang, pawang laban sa Tamaraws, walang excuses si coach Pido Jarencio, na ginabayan ang Growling Tigers sa 18th at most recent championship noong 2006, para sa kabiguan ngayong taon sa kanyang pagbabalik sa España makalipas ang 10 taon.
“Disappointing season for us. Dalawa lang ‘yung pinanalo. I take full responsibility. I disappointed the UST community, humihingi ako ng pasensya sa kanila but for sure we’ll be better next year,” sabi ni Jarencio.
Masaya si Christian Manaytay, na nanguna sa Growling Tigers na may 12 points at 9 rebounds na masuklian si Jarencio sa panalo sa pagtatapos ng kanilang kampanya.
“Sabi ko lang, deserve ni coach Pido itong panalo pati ng organization namin kasi we had a very rough season ngayon so we’re trying to find a way to win and syempre sinwerte kami na nanalo kami ngayon,” sabi ni Manaytay.
Iskor:
UST (57) – Manaytay 12, Pangilinan 10, Cabañero 8, Calum 7, Ventulan 7, Laure 6, Gesalem 3, Manalang 2, Lazarte 2, Llemit 0, Duremdes 0, Crisostomo 0.
FEU (53) – Bautista 17, Tempra 10, Ona 8, Faty 5, Gonzales 4, Torres 4, Competente 3, Sleat 2, Bagunu 0, Beato 0, Buenaventura 0, Montemayor 0, Felipe 0.
QS: 18-9, 32-24, 47-37, 57-53.