TIGERS NAKAUNGOS SA TAMS

UAAP

NAUNGUSAN ng UST Growling Tigers ang FEU Tamaraws, 76-74,  upang iposte ang unang panalo sa dalawang laro sa UAAP Season 81 basketball tournament kahapon sa Ara­neta Coliseum.

Mataas ang morale sa kabila na natalo sa una nilang laro sa host at 2014 champion National University, lumaban at hindi bumigay ang Tigers sa out-standing favorite Tamaraws, na pinangunahan ni slam dunk artist Nigerian Prince Orizu,  upang itakas ang panalo.

Nagsilbing bayani sina rookie Dean Marvin Lee at Nat Consejo para sa UST habang kumalawit si Crispin John Cansino ng defensive rebound sa huling 27 segundo upang mapa­ngalagaan ang tagumpay.

May pag-asa ang FEU na maisalba ang laro subalit sa pagmamadali dahil wala nang oras ay nagmintis si Arvin Tokentinio sa tres sa return play sa error ni Dean Marvin.

“The boys especially my rookies played well. Despite being newcomers they showed their characters and defied the odds,” sabi ni coach Alden Ayo.

“This victory is dedicated to UST community for their solid support to the team. I thank them for their unequivocal support to the team,” emosyonal na pahayag ni Ayo.

Si Ayo, tubong Sorsogon sa Bicol, ay dating coach ng  La Salle at lumipat sa UST kapalit ni Boy Sablan.

Dikit ang laban at kinuha ng UST ang panalo sa huling mga segundo upang malaglag ang FEU sa 1-1 kartada.                     CLYDE MARIANO

Comments are closed.