TIGERS NILAPA ANG ENGINEERS

UST vs TIP

Mga laro sa Lunes:

(Paco Arena, Manila)

1 p.m. – Diliman College vs Builders Warehouse-UST

3 p.m. – ADG Dong-Mapua vs Marinerong Pilipino

5 p.m. – EcoOil-La Salle vs Karate Kid-CEU

NILAMPASO ng Builders Warehouse-UST ang Technological Institute of the Philippines, 115-62, sa 2020 PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Maagang lumayo ang Growling Tigers sa pagkamada ni Deo Cuajao ng 24 points sa 7-of-12 shooting, habang nagdagdag si Jun Asuncion ng 20 points, kabilang ang 5-of-9 mula sa 3-point area, para sa unang panalo ng koponan.

“What’s important is they’re confident in everything that they do. The shots they’re taking, pina-practice naman nila. I always give them the green light as long as they’re available,” pahayag ni coach Aldin Ayo patungkol sa dalawa.

Sina Cuajao at Asuncion ang nanguna sa mainit na shooting ng Builders Warehouse-UST sa labas kung saan nagtala ito ng 23-of-46 mula sa tres.

Nag-ambag si Rhenz Abando ng 15 points, 6 rebounds, at 2 assists, habang nakalikom si Mark Nonoy ng 11 points, 6 boards, at 5 assists sa panalo.

Tumipa rin si Beninese forward Soulemane Chabi Yo ng 11 points, 8  rebounds, at 4 assists kung saan pinangunahan ng tatlo ang maagang 20-5 atake ng Growling Tigers.

Nagbida si Senegalese big man Papa Ndiaye para sa TIP na may double-double  13 points at 11 rebounds, habang nagdagdag si Bryan Santos ng 13 points at 7 boards.

Sa unang laro ay magaan na dinispatsa ng APEX Fuel Mindanao-SSCR ang AMA Online Senior High, 113-67.

Nagbida si RK Ilagan para sa Golden Stags na may 22 points, tampok ang 18 sa first half.

Kumolekta rin si Ilagan ng 8 assists, 5 rebounds, 2 steals, at isang block sa panalo ng APEX Fuel Mindanao-SSCR sa kanilang conference opener.

Iskor:

Unang laro:

APEX Fuel Mindanao-SSCR (113) – Ilagan 22, Altamirano 16, Desoyo 11, Ra. Gabat 10, Re. Gabat 9, Calahat 8, Loristo 8, Calma 8, Zabala 8, Villapando 5, Felebrico 4, Cosari 2, Shanoda 2, Sumoda 0, Go 0.

AMA Online Senior High (67) – Parcero 24, Mendoza 11, Simmonds 9, Yambao 6, Alina 3, Baclig 3, Diswe 3, Albances 2, Ceniza 2, Camay 2, Kapunan 2, Villamor 0, Germino 0, Jocson 0.

QS: 31-20, 60-31, 83-51, 113-67.

Ikalawang laro:

Builders Warehouse-UST 115 – Cuajao 24, Asuncion 20, Abando 15, Chabi Yo 11, Nonoy 11, Huang 7, Ando 7, Paraiso 5, Santos 5, Bataller 4, Manaytay 3, Concepcion 2, Manalang 1, Herrera 0.

TIP (62) – B. Santos 13, Ndiaye 13, Daguro 10, Yu 10, Carurucan 9, Corpuz 2, Sandagon 2, Calisay 2, I. Santos 1, Navarro 0, Diokno 0, Primo 0, Sena 0, Cudiamat 0.

QS: 30-16, 54-31, 80-51, 115-62.

Comments are closed.