Mga laro sa Linggo:
(Smart Araneta Coliseum)
12 noon – FEU vs AdU (Women Step-ladder)
4 p.m. – UP vs UST (Men Step-ladder)
PINANGUNAHAN ni soon-to-be crowned MVP Soulemane Chabi Yo ang University of Santo Tomas sa pagsibak sa Far Eastern University sa pamamagitan ng 81-71 panalo at umusad sa susunod na bahagi ng step-ladder semifinals sa UAAP men’s basketball tournament sa harap ng 7,161 fans kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nagbuhos si Chabi Yo ng 25 points at 11 rebounds at naging matatag ang Growling Tigers sa krusyal na sandali makaraang mabitawan ang 54-28 kalamangan.
“Nothing comes easy. That’s the story of our season,” wika ni UST coach Aldin Ayo. “We stayed positive and we kept playing. We kept our composure.”
Nagdagdag si Brent Paraiso ng 18 points at 5 rebounds, habang gumawa si Renzo Subido ng 14 points, 5 boards at 3 assists para sa Tigers.
Susunod na makakasagupa ng UST ang University of the Philippines, na nagtapos sa No. 2 sa elimination round, sa Linggo sa Big Dome.
Tangan ng Fighting Maroons ang twice-to-beat advantage sa ikalawang step-ladder round.
“UP is a different team right now,” ani Ayo, batid na ang 2-0 head-to-head advantage ng UST sa elims ay balewala sa bahaging ito ng torneo.
Dumiretso ang three-peat seeking Ateneo sa best-of-three Finals makaraang makumpleto ang 14-game sweep sa elimination round.
Tinapyas ng Tamaraws ang deficit sa 65-70 sa 6:31 mark ng payoff period subalit natameme sa sumunod na limang minuto kung saan bumanat ang Tigers ng 8-0 run, tampok ang tres ni Subido.
“We tried to play good defense and follow the system,” sabi Chabi Yo.
“I think we wanted it more,” ani Paraiso.
Iskor:
UST (81) – Chabi Yo 25, Paraiso 18, Subido 14, Abando 9, Nonoy 6, Huang 4, Bataller 3, Cansino 2, Ando 0, Concepcion 0, Cuajao 0.
FEU (71) – Tuffin 20, Gonzales 11, Cani 10, Eboña 9, Comboy 8, Torres 8, Tchuente 5, Alforque 0, Bayquin 0, Bienes 0, Stockton 0.
QS: 26-16, 54-28, 70-56, 81-71.
Comments are closed.