TIGIL-CARAVAN IKINASA SA ILOILO

DAHIL sa pagtaas na naman ng COVID-19 cases na pinaigting ng Omicront variant, pansamantalang ititigil ang lahat ng caravans sa Iloilo City kaugnay sa May 2022 elections.

Nasa Alert Level 2 ang lungsod ngunit sinabi ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas na mas hihigpitan ang restrictions dahil sa Omicron variant threat at sa inaasahang surge sa kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Treñas, na mas hinigpitan na ang pagbantay ng border sa lungsod dahil hindi na sigurudo kung sino ang positibo sa virus.

Noong nakaraang taon, nakapag-caravan si presidential aspirant Leni Robredo sa lungsod gayundin ang mga supporters ni former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Nakapag-caravan din ang iba pang presidential aspirants katulad nila Sen. Ping Lacson at Manila Mayor Isko Moreno.