TIGIL-PASADA PINAGHAHANDAAN

patnubay ng driver

GOOD day mga kapasada!

Nagdulot ng mix reaction sa publiko ang naging pahayag ng malalaking transport group na magdaraos sila ng malawakang tigil pasada sa Setyembre 30 ng taong kasalukuyan.

Ang  nagpahayag ng malawakang tigil pasada sa September 30 ay ang apat na malalaking transport group na kinabibilangan ng Alliance of Con-cerned Transport Organization (ACT) kasama ang Stop and Go coalition, militanteng Pagkakaisa ng Tsuper at Operator, at Central Luzon transport group.

Ipinahayag ni Efren de Luna, national president ng (ACTO), nagkakaisa ang apat na pinakamalalaking transport group sa bansa upang tuwirang tu-tulan ang Public Utility Mo­dernization Program (PUVMP) at Omnibus Franchise Guideline (OFG) o ang “Phase Out” ng PUVs na nakatakdang ipatupad sa Hulyo 2020 ng Department of Transportation and Communication at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (DOTr-LTFRB).

Samantala, inihayag naman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ng Land Transportation Office (LTO) na naghahanda na sila ng mga hakbang para sa kapakanan ng mananakayang mamamayan bago pa dumating ang takdang panahon ng naturang tigil-pasada.

Ayon sa programa ng DOTr-LTFRB, hanggang Hulyo 1, 2020 na lamang ang itatagal ng lahat ng PUVs.

Wala na aniyang puwedeng mag-operate ng PUV kung ito ay hindi modernize, consolidated, cooperative, fleet ma­nagement at corporation in nature.

BULOK NA JEEPNEY DAPAT NANG I-PHASE OUT

Magugunita na nitong nakaraang taon, nagsagawa na rin ng kilos-protesta at transport caravan ang samahan ng mga jeep driver at operators sa ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig probinsiya.

Ang ilan ay nagmartsa mula Quezon City Memorial Circle hanggang Mendiola. Tinututulan nila ang plano ng pamahalaan sa pag-phase out sa mga lumang jeepney.

Kaugnay nito, sinu­s­pinde ang klase sa Maynila, Makati, Taguig, Bulacan at marami pang mga lugar sa kanugnog na pook ng Kalakhang Maynila.

Magugunita na sa rally na idinaos noong Marso nang nakaraang taon na pinangunahan ng Piston at No Jeepney Phase Out Coalition, mariin nilang kinokondena ang pag-phase out sa mga jeepney.

Daing ng mga ito na ang planong phaseout ay hindi makatao. Dapat daw na i-rehabilitate ang mga jeepney para hindi mawalan ng ikabubuhay ang mga driver at nagbanta na magsasagawa pa ng pagwewelga ang iba’t ibang transport groups sa wastong panahon.

JEEPNEY-6

80 PORSIYENTO NG POLUSYON DULOT NG LUMANG SASAKYAN

Samantala, inihayag ng Department of Natural Resources (DENR) na maraming lumang sasakyan sa Metro Manila at kabilang dito ang mga ka-karag-karag na jeepney na ginagamit nang may l5 taon hanggang 20 taon na ngayon.

Ang mga lumang sasakyang pamasadang ito ang nagdudulot ng matinding polusyon sa Kalakhang Maynila at mga kanugnog na mga lungsod.

Ayon sa DENR, 80 porsiyento ng emission o usok na galing sa mga tambutso ng sasakyan partikular ng mga pamasadang jeepney na lumalason sa hangin ang dahilan ng pagkakaroon ng karamdaman at kamatayan ng maraming mamamayan na naapektuhan nito.

Bukod sa polusyon, ang mga lumang jeep din umano ang dahilan ng mga malalagim na aksidente sapagkat gastado na ang preno dahilan para ara-ruhin ang pedestrians at mga bahay.

ALYANSA NG APAT NA TRANSPORT GROUP NANAWAGAN SA PANGULO

Nanawagan naman ang alyansa ng apat na transport group sa Senado, sa Kongreso maging kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bigyan ng kongkretong lunas o solusyon ang problema ng transport group tungkol sa legalidad ng Department Order 2017-011 o OFG at PUVMP  at ng LTFRB.

Sa magkahiwalay na pahayag, sinabi ni Jun Magno, pambansang pangulo ng SGC, sasama na rin sa tigil pasada sa Setyembre 30 ang UV Express at mga van upang sumuporta sa nationwide tigil-pasada.

Ayon sa grupo, sa nakalipas na ilang taon na initial na pagpapatupad ng PUVMP at OFG, mali aniya ang sistema at implementation ng nasabing programa.

Mariing sinabi ng grupo na fake ang isinusulong na modernization program ng DOTr at LTFRB.

HINDI NAMAN SILA TUTOL SA MODERNIZATION

Samantala, nilinaw ng grupo na hindi naman sila tutol sa modernization kundi iayos sa tamang paraan.

Ayon sa grupo, umaabot sa Php2.3 mil­yon ang halaga ng bawat unit na talaga namang hindi kakayanin ng ordinaryong driver at operators ang ga-noong halaga.

Nagbabala naman ang grupo na posibleng umabot sa Php15 ang ordinary fare sa oras na maipatupad na ang full implementation ng PUVMP na ang apektado ay ang mananakayang mamamayan.

OFW NANAWAGAN SA LTO SA RENEWAL NG DRIVER’S LICENSE

Nanawagan sa LTO ang libo-libong overseas Filipino Workers (OFW) sa iba’t ibang panig ng mundo na payagan silang makapag-renew ng kanil-ang driver’s license at makuha ang kanilang plastic driver’s license kahit nasa ibang bansa sila.

Idinaing ng mga OFW na malaking halaga ang kanilang magugugol gayundin ng panahon sa pagbalik sa bansa para mag-renew ng kanilang mga napasong lisensiya sa pagmamaneho.

Ang panawagan ng mga OFW ay personal na ipinarating kay Department of Transportation Secretary Arthur Tugade, LTO Chief Edgar Galavante, at maging sa Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Hiling nila sa mga nabanggit na opisyal ng bansa na makagawa ng legal na hakbang o pamamaraan sa kanilang malaon ng taglay na problema tungkol sa renewal ng kanilang mga driver’s license.

Sa kasalukuyan, ang umiiral na existing rules and regulations na ipinatutupad ng LTO, puwede namang mag-renew ang mga OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa pero Official receipt lamang ang ibibigay ng agency matapos maisumite sa LTO-License Office ang mga kailangang kahingian o require-ments.

Pagkatapos maisumite, mayroong 30 days ang isang indibidwal oras na dumating siya sa bansa para makunan ng picture ng personal sa Licen­sing Office kung saan siya nag-renew at doon lamang ibibigay sa kanya ang plastic driver’s license.

Ayon sa LTO, kaila­ngan ng nagre-renew ang drug testing result mula sa isang authorized medical clinic.

Susuriin ding mabuti ng mga personnel ng LTO-Licensing Office kung genuine at authentic ang mga dokumentong  ibibigay sa kanila bago ibigay ang PDL sa isang nagre-renew ng kanyang driver’s license.

LAGING TATAN­DAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.

Happy motoring!

Comments are closed.