PABOR si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. sa pagsasagawa ng Christmas ceasefire sa New People’s Army (NPA).
Ayon Azurin, tradisyunal na nirerekomenda ng PNP ang tigil-putukan tuwing Pasko para sa tahimik na pagdaraos ng okasyon.
Gayunpaman, sinabi ng heneral na ipinauubaya na nila sa nakatataas kung anuman ang kanilang magiging desisyon kaugnay nito.
Ani Azurin, kung magdeklara man ng ceasefire ang gobyerno ay handa ang PNP na ipatupad ito at umaasa siya na tatalima rito ang NPA at hindi gagawa ng karahasan.
Sa mga nakalipas taon, ang NPA ang kadalasang lumalabag sa kasunduan ng ceasefire tuwing idinedeklara ito.
Kung kaya’t, siniguro ng PNP Chief na hindi pa rin magpapakakampante ang puilsya at naka-deploy na ang 85 porsiyento ng kanilang puwersa para pangalagaan ang seguridad ng mga mamamayan ngayong holiday season.
EUNICE CELARIO