Standings W L
*UST 10 1
*DLSU 9 1
*NU 9 2
FEU 6 4
Ateneo 3 8
UE 2 8
AdU 2 8
UP 1 10
*Final Four
Mga laro ngayon:
(Ninoy Aquino Stadium)
10 a.m. – AdU vs UP (Men)
12 noon – FEU vs UST (Men)
2 p.m. – AdU vs UP (Women)
4 p.m. – FEU vs UST (Women)
BUBUHAYIN ng FAR Eastern University at University of Santo Tomas ang kanilang fabled volleyball rivalry sa isang showdown na may malaking implikasyon sa Final Four sa UAAP women’s volleyball tournament ngayong Sabado sa Ninoy Aquino Stadium.
Target ng Lady Tamaraws ang malaking upset laban sa league-leading University of Santo Tomas sa alas-4 ng hapon sa pagbabalik ng liga sa Ninoy Aquino Stadium.
May 6-4 record, sisikapin ng FEU na wakasan ang tatlong seasons na walang semifinals action sa panalo kontra Tigresses, na itinulak ng Lady Tamaraws sa five-set marathon sa first round bago tumukod.
Ang UST (10-1), defending champion La Salle (9-1) at 2022 winners National University (9-2) ay pasok na sa Final Four, at ang tatlong koponan ay nakaipit sa tight battle para sa dalawang twice-to-beat berths.
May 6-4 record, ang FEU ay may three-and-a-half game cushion sa fifth-running Ateneo (3-8) sa karera para sa nalalabing Final Four slot.
Inaasahang magbabalik para sa Tigresses si top super rookie Angge Poyos na lumiban sa kanilang laro kontra University of the Philippines noong Miyerkoles dahil sa dehydration.