TIGRESSES TUMATAG SA NO. 2

Standings             W    L

NU                        7     0

UST                       6     2

DLSU     5     2

AdU                      4     4

Ateneo  4     4

UP                         4     4

FEU                       1     7

UE                         0     8

Mga laro bukas:

(Mall of Asia Arena)

10 a.m. – UE vs AdU

12:30 p.m. – Ateneo vs NU

4 p.m. – UP vs UST

6:30 p.m. – FEU vs DLSU

NALUSUTAN ng University of Santo Tomas ang isa pang five-setter para manatili sa ikalawang puwesto sa UAAP women’s volleyball tournament.

Humabol ang Tigresses mula sa dalawang sets na deficit upang maitakas ang   24-26, 20-25, 25-21, 25-23, 15-12 panalo kontra Adamson sa pagsisimula ng second round kahapon sa Mall of Asia Arena.

Nagkumahog si Eya Laure, ang first round scoring leader, sa 17-of-66 spikes subalit tumapos pa rin na may 21 points. Nagtala siya ng 3  blocks at 13 receptions upang tulungan ang UST na umangat sa 6-2.

Nagwagi ang Lady Falcons sa unang dalawang sets, ngunit hindi ito nasustinahan kung saan kinuha ng Tigresses ang sumunod na tatlong sets.

Mainit ding sinimulan ng titleholder Ateneo ang second round kasunod ng 25-22, 25-13, 25-23 pagdispatsa sa Far Eastern University, habang naitarak ng University of the Philippines ang 25-23, 26-24, 25-17 panalo kontra University of the East para putulin angfour-match losing skid.