Mga laro ngayon:
(Sands SM By The Bay)
8 a.m. – UST vs FEU (Men Finals, Game 1)
9 a.m. – DLSU vs UST (Women Finals, Game 1)
10 a.m. – FEU vs UST (Men Finals, Game 2)
11 a.m. – UST vs DLSU (Women Finals, Game 2)
12 noon – UST vs FEU (Men Finals, Game 3)*
1 p.m. – DLSU vs UST (Women Finals, Game 3)*
*if necessary
MAKAKASAGUPA nina Sisi Rondina at Babylove Barbon ng University of Santo Tomas sina Michelle Morente at Tin Tiamzon ng De La Salle University para sa UAAP Season 81 beach volleyball championship ngayon sa Sands SM By The Bay.
Ang best-of-three series opener ay nakatakda sa alas-9 ng umaga kung saan target ng Tigresses, matamo ang ikatlong sunod na elimination round sweep, na maging unang koponan na naka-three-peat.
“Siyempre, bonus na ‘yung legacy. Ang gusto ko lang e maibigay ang korona sa UST. Sobrang kalma na ako riyan,” wika ni Rondina. “Malaking tulong talaga sa akin ang UST. Feeling ko ayoko nang umalis. Pero, matatapos at matatapos talaga.”
Nagtatangka sa record na ika-6 na korona, ang UST ay nagwagi ng record 17 consecutive matches – isang bagong marka sa liga- mula pa sa Sea-son 79 Finals.
Nakatuon ang lahat kay Rondina, na umaasang matuldukan ang kanyang makulay na collegiate career sa isand court na isang winner.
Ang Lady Spikers ay nasa kanilang unang Finals appearance magmula noong 2015 nang makopo ng Taft-based spikers sa likod nina Kim Fajardo at Cyd Demecillo ang kanilang nag-iisang beach volleyball crown. Sa naturang taon ay nabigo naman ang Tigresses na makapasok sa podium – ang tanging pagkakataon na hindi nanalo ng kampeonato si Rondina.
Nalusutan nina Morente at Tiamzon, tumapos sa ikalawang puwesto sa eliminations, sina University of the Philippines’ Isa Molde at Justine Dorog, 21-16, 24-26, 15-9, sa second step-ladder noong Sabado.
Sa men’s championship, makakaharap nina Krung Arbasto at Jaron Requinton ng UST ang undefeated Far Eastern University duo nina Jude Garcia at Kevin Hadlocon para sa titulo sa isa ring best-of-three affair, sa alas-8 ng umaga.
Hinubaran ng korona nina Arbasto at Requinton, ang second-ranked team sa elims, ang National University tandem nina Bryan Bagunas at James Natividad, 24-22, 21-15, sa second step-ladder.
Siniguro nina Molde at Dorog ang ikalawang sunod na third place finish ng Lady Maroons nang pataubin ang Lady Bulldogs tandem nina Klymince Orillaneda at Antonette Landicho, 12-21, 21-19, 15-6. Ang UP ang naging huling semifinalist nang sibakin ang Ateneo, 21-19, 21-19, sa playoff noong Biyernes.
Comments are closed.