KUNG Filipino ka, mayaman ka man o mahirap, for sure, lumaki ka sa puto. Ito yung true-blue Filipino Steamed Rice Cakes na itinitinda sa palengke o sa mga kanto-kanto na may kasamang kinudkod na niyog. Napakarami nito sa Pilipinas dahil marami tayong bigas, kaya nasaan ka man, Luzon, Visayas, Mindanao, may puto. At ang pinakasikat dito ay ang Puto Biñan, na siya raw pinakamasarap sa buong Pilipinas.
Iba-iba ang klase ng puto, pero traditionally, giniling na bigas ito na tinatawag ding galapong. Ibababad muna ng magdamag ang bigas at gigilingin o ibi-blender kinabukasan ng umaga para makagawa ng masarap na puto. Ordinaryo. Masyadong ordinaryo, at wala sana akong balak na gawan ito ng article kung hindi laang ako naitriga sa nakasabay kong bumili ng puto sa Guadalupe Market.
“Ale, putong lalaki po,” sabi nung bumibiling misis. Buntis kasi kaya nag-presume akong misis. Hindi ko naman syempre pwedeng itanong kung asawa ba nya ang nakabuntis sa kanya.
Aba, pinagbilhan ng putong lalaki. May itlog na pula sa ibabaw kaya siguro lalaki. Char!
Sabi ko, “Ale, may babaing puto rin po ba?”
“Oo naman! May bakla pa nga.”
Nagulat ako. Ano ang hitsura ng baklang puto?
“E di may tomboy na puto rin po?”
Nag-isip ang tindera. “Parang wala pa akong naibebentang tomboy na puto,” aniya.
Hay, salamat naman. Kasi kung ay tomboy na puto rin, malamang, si Vice Ganda ang endorser ngayon ng puto – girl, boy, bakla, tomboy.
Pero balik na tayo sa totoong topic. Ang puto, bow.
Mula ang salitang puto sa Malay word na “puttu,” na ang ibig sabihin ay paghahati-hati. Makes sense dahil maliliit lang talaga ang puto,pero considered siyang kakanin. Actually, yung original putong puti ay nilagyan lang ng anis para maging putong babae, at sa totoo lang, napakasarap isawsaw sa mainit na dinuguan.
Kung tutuusin, healthy food naman ang puto. Mayaman ito sa bitamina at mineral, kaya lang, may risky components din tulad ng saturated fat, sodium at sugar. Yet, mas healthy food naman ito kesa burgers dahil steamed cooking lang ito.
Nauuso ri nga pala ang puto pao, na modified puto cum siopao. Alam naman ninyo ang mga Pinoy, inventive. May puto ka na, may siopao ka pa. At bongga rin ito sa sarap, lalo na kung fluffy ang pagkaluto. Para maging fluffy, siguruhing kumukulo na ang tubig bago ilagay sa steamer ang pasisingawang puto.
Believe me you, ang puto ay authentic Filipino food. Kung may puto na ngayon sa ibang bansa, sila ang nanggaya sa atin – paris din ng champorado na original din sa ating mga Pinoy. Actually, tulad ng champorado, aksidete ring ginawa ang puto. Noong araw daw kasi ay bibingka lang ang ginagawang kakanin sa Pilipinas at gawa ito sa malagkit. Isang araw, gusto sanang lutuan ng isang ina ang kanyang walong anak ng meryenda pero wala na silang malagkit kaya ordinaryong bigas na lamaang ang ibinabad niya sa tubig ng tatlong oras at pagkatapos ay giniling sa gilingang bato.
Dapat sana ay ialagay pa ito sa supot na katsa at ibibitin ng tatlo pang oras para patigisin, pero gutom na ang mga bata kaya hunaluan na lamang niya ito ng kaunting asin, asukal at pandan. Dahil mukhang tinunaw na harina, naisipan ng nanay na lagyan din ito ng baking powder, sa pag-asang magmumukha itong tinapay kapag naluto. Nang kumulo ang tubig ay agad niyang inilagay ang mixture sa kawayang pasingawan at tinakpan ng dahoon ng saging. At naimbento na nga ang puto.
Pangmeryenda o pang-almusal ang puto na traditionally ay gawa sa ordinaryong bigas. Ibababad ito ng magdamag o kahit tatlong oras lamang, at pagkatapos ay ibi-blender. Wala na kasing gilingang bato ngayon at mas madali ang blender kaya yun na lang ang gamitin natin. Magiging galapong ito. Pwedeng lagyan ng yeast o baking powder pwero pwede rin namang wala, pero huwag kalilimutan ang konting asin at konting asukal. Kung may dahon ng pandan, mas maganda. Heto ang paraan sa pagluluto ng nasarap na puto:
Habang bini-blender ang ibinabad na bigas, nagpakulo na ng tubig sa steaer para siguradong kumukulo na kapag handa na ang isasalang. Pagsama-samahin ang isang kilong galapong (pwedeng harina kung tinatamad kayo), 2 cups sugar, 2 ½ tbsp baking powder, 1/8 tsp pandan essence (pwede ring totoong dahon ng pandan, mas mabango), kalahating kutsaritang asin, at optional na kalahating tasang mantika, at isang itlog. Originally kasi walang itlog at mantika.
Haluing mabuti hanggang mag-incorporate ang lahat ng sangkap. Yung tunaw na ang asukal at baking powder.
May dalawang option kayo sa paggawa nito. Una, gagamit kayo ng bilaong kasya sa steamer na nilagyan ng dahoon ng saging. Ibuhos dito ang mixture, takpan ng dahoon ng saging at pasingawan.
Pwede rin namang isalin sa maliliit na hulmahan ang mixture at pasingawan ng 20 minutes. Kung gusto ninyong lagyan ng itlog na maalat at keso sa ibabaw, pwede itong ilagay sa ibabaw at pasingawan pa ng 2-5 minutes.
May iba-iba nang kulay ngayon ang puto. Ang original na puti, dilaw at ube. May size na rin. Small,medium at large.
Pag may lamang itlog, putong lalaki. Pag may cheese, putong bakla. Pag pure white, putong babae. Uminbento na lang tayo ng putong tomboy – siguro, lagyan natin ng chocolate sa loob. Char!
In case na napadami ag ginawa niyong puto, pwede itong ilagay sa freezer ng hanggang tatlong buwan basta maayos ang container. Kung iinitin, ilagay lang sa microwave ng 30 seconds at parang bagong luto na uli.JVN