TIKMAN ANG TAMIS NG PAG-IBIG NI ARA MINA

hazelberry

NAGSIMULA ang Hazelberry Café nang magdesisyon si Ara Mina na ibenta ang mga inimbento niyangara mina recipes noong 2012. Hanggang isang araw, naisipan niyang gawing business ang kanyang baking passion. Itinayo niya ang unang cafe noong March 2017. Doon niya ibi­ni­da ang masasarap niyang cakes, pastries, pasta, rice meals at  iba pang pagkain.

Pero bago ‘yon, siniguro ni Ara na mayroon siyang ipagmamalaki. Nagtapos muna siya ng Culinary course sa ISCAHM (International School for Culinary Arts and Hotel Management) in Quezon City, kahit busy siya bilang artista.

Bata pa lamang ay mahilig na talagang mag-negosyo at mag-bake si Ara. Pero dahil naging artista siya, sandal itong nabinbin. Ngunit nagkaroon ng pagkakataon noong 2017, at isinilang nga ang Hazelberry Café.

Matapos buksan ang unang pwesto sa Community Mall, Holy Spirit Drive, Don Antonio Quezon City, na­ging viral sa social media ang mga cakes, cheesecakes, pasta, cupcakes at smoothie nilang ininibenta. Nasarapan din ang mga kasamahan niya sa entertainment  industry. Katunayan, suki ng Hazelberry si Megastar Sharon Cuneta. Paborito niya ang Ara’s Oreo Cheesecake. Nagustuhan din ito ni Ronnie Alonte at iba pang artista at ng publiko. Hindi pa natikman ng inyong lingkod ang Oreo Cheesecake, pero hindi raw ito gaanong matamis at totoong napakasarap dahil hindi tinipid ang    ingridients. At ang pres­yo, hindi rin kamahalan sa halagang P230 ang isa.

pastriesDahil sa laki ng demand dito, naisip ng magandang Chef/Teleserye actress na gawin itong Ara’s Oreo Cheesecake in a jar, na available sa Hazelberry Cafe at kung saan mang bazaar na dinadaluhan niya.

Isa pang sikat na ibi­nibenta ni Ara ay ang Hazelberry’s Red Velvet Cupcakes. Ang katakam-takam na cupcakes na ito na may toppings na cream cheese frosting ay nakakapagpangiti at nagbibigay ng tuwa sa mga kumakain.

Kung walang taping schedule at iba pang commitments si Ara, makikita siya sa kusina na abalang nagbi-bake ng maraming cake, cookies at cupcakes napambenta sa susunod na araw.

Patuloy pa rin siyang nag-iimbento ng bagong recipe na ikatutuwa ng mga customers.

Ang iba pang cakes na available sa Hazelberry ay ang moist chocolate, Japanese cheesecake, pistachio sans rival, mixed berries shortcake, chocnut cheesecake at mango cheesecake.

Meron din silang All-Day breakfast meals tulad ng Klenks tapa, crazy sexy longganisa, at chicken tocino. May main dishes din tulad ng crispy kare-kare, Mandy’s fried Chicken, grilled liempo sinigang at baked bangus. Syempre, may smoothies din, iced coffee at non-coffee blended drinks. Mismong si Ara ang nagtsi-check ng kalidad ng ibinebenta nilang pagkain, at ng kalinisan ng restaurant.

Bukod sa Quezon City, may branch na rin ang Hazelberry sa Madison Galleries, Alabang Muntinlupa City.

By the way, Hazel ang tunay na pangalan ni Ara. Mula sa pangalan niyang Hazel at ang hilig nilang umimbento ng cakes mula sa mga paborito niyang berry, isinilang ang Hazelberry Café.

Comments are closed.