“MORE,” Ito ang request ng followers sa Instagram ni Dra. Vicki Belo na nag-post ng kanyang galing sa pagsasayaw sa Tiktok.
“While watching Dr Vicki, napapasayaw din ako!”
“Wow! Ang galing mo sumayaw, Dra. Belo. Tinuruan ka pa ni Scarlet.”
“Parang teenager lang si Dra.”
“Ay ang graceful niyo po sumayaw. More pa po.”
“Ang sweet sumayaw ni ma’am Vicki!”
“Wow doc! Good vibes lang tayo, doc!” ‘yan ang mga komento ng netizen kay Belo, 64-anyos.
Ganadong sumayaw si Belo sa beat ng “Señorita” ng Australian disc jockey na si Noiz
Sa kanyang Instagram account ay sinabi ni Belo na natutulungan siya ng pagsasayaw na maging flexible at healthy.
“It’s important not only to look young, but to move young,” ayon pa rito.
“Dancing helps me stay flexible, coordinated, and healthy. It’s a great way to do cardio while having fun.”
Halos nasa 700,000 views na ang nasabing video ni Belo. PILIPINO Mirror BUZZ TEAM
Comments are closed.