TIKTOK USER VS BBM SUMUKO SA NBI

NBI

BOLUNTARYONG sumuko na kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang sinasabing Tiktok user sa social media na nagbantang assasination laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos noong nakalipas na linggo.

Ayon kay NBI OIC-Director Eric B. Distor, ang suspek na si Ruel “Bong” Ricafort ay nagtungo sa NBI-Anti Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) kasama ang kaibigan abogado para linisin ang kanyang pangalan kaugnay sa nasabing pagbabanta.

Sinabi pa ni Distor na si Ricafort ay nakatakdang mag-file ng reklamo laban sa mga taong ginamit ang kanyang pangalan para sa maling pagbabanta kay BBM.

Magugunita na nitong Enero ay nag-viral sa social media ang isang Tiktok video kung saan isang nagngangalang alyas Bong Ricafort na nagbanta ng assassination plot laban kay BBM.

Base sa isinumiteng statement ni Ricafort sa NBI, lumilitaw na may nakapagsabi sa kanya na nag-viral na sa social media ang Tiktok video kaugnay sa assasination plot laban kay BBM.

Kaagad naman nagsaliklik sa si Ricafort at nakita niya ang video kung saan natuklasan nito na may gumamit ng kanyang Tiktok account sa nasabing pagbabanta kung saan idinawit pa ang kanyang grupo. MARIO BASCO