TIKTOKERS DAPAT I-PROMOTE ANG HEALTH PROTOCOLS

BULACAN- MATAGUMPAY ang huling pagpapabakuna ng 2nd dose ng Pfizer kay Bulacan Governor Daniel Fernando na ginanap sa Balagtas Hall ng Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Malolos City.

Nagkataon naman na katatapos lang din ng 2nd dose ng Sinovac vaccine sa PILIPINO Mirror reporter ng eksklusibong nasundan sa VIP vaccination center ang gobernador kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Tenie at bayaw nitong dentista.

Ayon kay Fernando wala namang adverse effect sa kanya ang bakuna.

Noong unang shot, tamang foodtrip ang epekto sa kanya nito.

Aniya, bagaman fully vaccinated na siya, hindi aniya nangangahulugan na hindi na siya tatamaan ng COVID-19 kaya kailangan pa rin ng pag-iingat at pag-obserba sa minimum health protocols.

Kasabay nito ay hinimok ng gobernador ang mga Tiktoker’s na gamitin ang trending apps upang mahikayat ang mga mamamayan na sundin ang health protocols laban sa COVID-19.
THONY ARCENAL

4 thoughts on “TIKTOKERS DAPAT I-PROMOTE ANG HEALTH PROTOCOLS”

  1. 803004 400591Id should verify with you here. Which isnt something I often do! I enjoy studying a publish that can make folks think. Also, thanks for permitting me to remark! 755466

Comments are closed.