Tili Dahli, damit na environment friendly

Leanne Sphere

Ano pa ba ang hindi kayang gawin ni Anne Curtis? May sarili siyang beauty brand, ang BLK Cosmetics. Meron din siyang dalawang clothing brands, bukod pa sa pagiging fitness buff na siya namang pinag-ugatan ng Recess kasama ang actress na si Isabelle Daza. Pero ang mas pinagtutuunan niya ng pansin ngayon ay ang children’s wear brand Tili Dahli na kasosyo ang kanyang sister-in-law na si Solenn Heussaff.

Ang Tili Dahli ay baby wear brand na naisipan nilang itayo ni Solenn na ang inspirasyon ay ang kanilang mga anak na napakabilis lumaki.

Bilang mga new mommies, ginawa nina Anne at Solenn ang Tili Dahli para i-promoteang paggamit ng mga materyales na environment friendly. Siniguro ng maghipag na bagay ang tela ng Tili Dahl isa sensitibong balat ng kanilang mga anak, kaya sa kanilang first collection of basic essentials, gumamit sila ng 100% organic cotton na GOTS certified. Siguradong siguradong lahat ng damit na kanilang ibinibenta ay walang allergic reactions kahit pa sa pinakasensitibong balat.

By the way, ang ibig sabihin ng GOTS certified (Global Organic Textile Standard) ay hindi lamang organic ang kanilang produkto kundi certified organic. Ito ang may pinakamataas na worldwide standard sa pagfproseso ng organic fibers. Kasama rito ag entire textile chain — mula sa sustainable, ethical harvesting nf organically grown plants hanggang sa eco-friendly and socially responsible manufacturing and labeling practices.

Dinsenyo sa Pilipinas pero pasado sa international standards, pinagkakaguluhan ngayon ng mga ina ang Tili Dahli.

Hindi lamang kasi sila gumagamit ng organic materials, kundi napakakumportable pang gamitin.RCLNB