CEBU – MAGKASABAY na namatay ang mag-asawa nang makulong ang mga ito sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Carreta.
Sa ulat ng Cebu City PNP at Bureau of Fire Protection, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Sitio Ponce 2, Barangay Carreta na tumupok sa may 50 kabahayan.
Ayon sa imbestigasyon ng Cebu City Police Office, na-trap sa loob ng nasusunog na bahay sina Nicasio Orcullo, 62, at asawa nitong si Prosefina Orcullo, 57-anyos.
Lumitaw pa sa imbestigasyon na mabilis na kumalat ang apoy at kinailangang itaas sa ikatlong alarma ang sunog.
Sa pagtataya ng Bureau of Fire Protection aabot sa P900,000 ang danyos na inabot ng sunog na tumupok sa may 50 bahay sa lugar.
Patuloy namang inaalam ng awtoridad kung saan nagmula ang sunog na nakaaapekto sa mahigit 60 pamilya. VERLIN RUIZ
Comments are closed.