TIMBANGAN BAYAN CENTER APRUB NA SA HOUSE PLENARY

TIMBANGAN BAYAN

LUSOT na sa House Committee on Trade and Industry ang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng timba­ngan bayan center sa lahat ng palengke sa bansa.

Ang nasabing panukalang batas ay isinulong ng Department of Trade and Industry (DTI) upang hindi magkadayaan sa pagtitimbang sa mga produk-tong ibinebenta sa mga palengke.

Ayon kay Valenzuela Rep. Weslie Gatchalian, chairman ng komite, ang timbangan bayan bill ay pangangasiwaan ng mga local treasurer.

Aniya, layon ng panukalang batas na mabigyan ng pagkakataon ang mga mamimili na magreklamo sakaling mali ang timbang ng kanilang mga pinamili.   DWIZ

Comments are closed.