INATASAN ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal ang mga Terminal Managers at pinuno ng Quality Management System (QMS) na bigyan ng direktiba ang mga airline na ang gamitin lamang ang mga check-in counter weighing scales dahil ang mga ito ay nasusuri at nakaka-calibrate nang regular at bilang pagtupad sa international standards.
Sinabi ni GM Monreal ang weighing scale sa NAIA ay dumadaan sa inspection at calibration bilang pagsunod ng service excellence standard na ipinatutupad ng MIAA ISO-QMS.
Ang mga calibration at inspection records ay ginagamit bilang reference ng mga internal at external auditors tuwing ISO certification at surveillance audit.
Ilang airlines ang patuloy na naglalagay ng kanilang sariling mga timbangan sa check-in area na maaaring sanhi ng mga reklamo ng mga pasahero na nagsasabing magkakaiba ang lumalabas na timbang ng kanilang mga bagahe.
Kamakailan lang, isang pasahero ang paulit-ulit na nag-post sa social media na nagpahayag na hindi wasto ang mga timbangan ng isang airline company sa check-in counters na siyang nakasisira sa imahe ng paliparan. FROI MORALLOS
Comments are closed.