UMISKOR si Anthony Edwards ng 27 points, kumalawit ng 7 rebounds af nagbigay ng 5 assists upang pangunahan ang Minnesota Timberwolves sa 118-111 panalo laban sa bisitang Los Angeles Lakers noong Huwebes ng gabi sa Minneapolis.
Nagdagdag si Karl-Anthony Towns ng 21 points para sa Minnesota, na bumawi mula sa pagkatalo kontra Philadelphia 76ers. Nagtala si Rudy Gobert ng double-double na may 15 points at 13 rebounds.
Tumapos si Anthony Davis na may 31 points at 8 rebounds para sa Lakers, na nalasap ang ika-4 na sunod na kabiguan. Nagdagdag si Austin Reaves ng 20 points at kumabig si Rui Hachimura ng 18.
Hindi naglaro si Lakers star LeBron James sa ikalawang sunod na pagkakataon dahil sa sore left ankle. Hindi rin sumalang si Gabe Vincent sanhi ng left knee injury.
Bucks 118,
Magic 114
Kumamada si Giannis Antetokounmpo ng 37 points at 10 rebounds, nagdagdag si Damian Lillard ng 24 points, at ipinalasap ng Milwaukee Bucks sa bisitang Orlando Magic ang ika-4 na sunod na kabiguan nito.
Sumandal ang Milwaukee, nagwagi ng anim na sunod, sa 21-8 third-quarter run upang buksan ang 15-point lead.
Humabol ang Orlando upang lumapit sa dalawang puntos sa fourth quarter, sinimulan ang final period sa 9-2 run kung saan naitala ni Franz Wagner ang pito sa kanyang team-high 29 points.
Hindi pinaiskor ng Bucks ang Magic sa sumunod na 2:06, at nalimitahan ito sa dalawang puntos lamang sa mahigit apat na minuto. Ibinalik ng Milwaukee ang kalamangan nito sa double-digits at nakalapit lamang ang Orlando sa apat na puntos hanggang sa final horn.
Naitala ni Antetokounmpo ang pito sa kanyang game-high point total sa closing 3:12, lima rito ay nagmula sa 5-of-6 shooting sa free-throw line. Tinapos niya ang laro na 15-for-19 mula sa charity stripe at 11-for-25 mula sa floor.
Jazz 119,
Pistons 111
Nagsalansan si Kelly Olynyk ng 27 points, 6 assists at 4 steals at inilagay ng short-handed Utah Jazz ang host Detroit Pistons sa bingit ng pagpantay sa longest single-season losing streak ng NBA sa panalo noong Huwebes ng gabi.
Ang Pistons ay natalo ng 25 sunod, isa na lamang ang kulang sa NBA single-season record. Ang 2010-11 Cleveland Cavaliers ay 2013-14 Philadelphia 76ers ay natalo ng 26 na sunod.
Ang all-time longest losing streak sa kasaysayan ng liga ay ang 28-game skid ng 76ers sa pagitan ng 2014-15 at 2015-16 seasons.
Nakalikom si Collin Sexton ng 19 points, 8 assists at 4 steals para sa Jazz, na natalo sa Cleveland noong Miyerkoles. Nag-ambag si Ochai Agbaji ng 18 points mula sa Utah bench.
Nagdagdag si Simone Fontechhio ng 16 points, tumipa sinKris Dunn ng 13 points at 10 assists at nakakolekta si John Collins ng 13 points at 9 rebounds para sa Jazz. Ang top two scorers ng Utah na sina Lauri Markkanen at Jordan Clarkson ay hindi naglaro dahil sa hamstring injuries.