TIME IS GOLD, GAMITIN ITO NANG MAY MATAAS NA HALAGA PARA MAGING SUCCESS

TIME is gold.  Kasabihang itinuro ng mga teacher noon pang nasa elementarya tayo.

Inisip nating literal ito noon na mahalaga ang bawat oras kaya dapat maging kapaki-pakinabang.

Subalit sa paglipas ng panahon, naiba na ang kahulugan nito lalo na mabigat na ang responsibiliad kung may pamilya, may negosyo at mayroong trabaho.

Malalaman natin na bawat minuto mula paggising sa umaga ay mahalaga at dapat maging kapaki-pakinabag.

Narito ang mga paraan upang mas maging epektibo sa paghawak sa iyong oras:

  1. Ugaliing tumanggi kaysa umoo lamang ng umoo.

Madalas sabihin ng Payaman Mindset na huwag mong sakupin ang mga gawaing alam mong hindi mo kakayanin. Madali ang tumanggap o umoo na lamang sa bawat alok subalit kung masyado nang marami ang iyong gagawin, mas magiging madali sa iyo na tanggihan ang mga hindi naman na sasakupin ng iyong oras.

  1. Pag-aralang unahin ang mga prayoridad.

Ugaliing unahin ang mga bagay na dapat mong pahalagahan. Hindi makatutulong sa iyo kung sabay-sabay mong gagawin ang mga tungkuling nakaatang sayo. Mas madalas na maging palpak ang kalabasan ng bawat gawain na hindi mo bibigyan ng kaukulang atensyon.

  1. Manatiling kalmado.

Kung mananatili kang kalmado at hindi paiiralin ang iyong emosyon, mas makapag-iisip ka ng tama kahit nasa kalagitnaan ka ng malaking problema sa iyong negosyo. Kung hindi mo maiiwasang maging emosyonal sa isang bagay, iwasang magdesisyon agad dito. Ipagpaliban ang paggawa ng desisyon hanggang hindi mo napapakalma ang iyong sarili.

  1. Gawing kapaki-pakinabang ang mga bakanteng oras.

Tumingin ka sa iyong paligid, maski gaano ka kaabala sa iyong gawain, marami pa rin ang nasasayang na oras o panahon sa kalagitnaan ng iyong pagtupad sa tungkulin.  Halimbawa, may mga oras na naghihintay ka ng iyong ka-miting o katagpo para sa isang negosyo, maari mo itong gamitin sa ibang trabahong kaya mong gawin sa oras ng iyong paghihintay. Bawat segundo mahalaga sa ating buhay kaya’t gamitin ito sa wastong paraan.

  1. Bumuo ng sarili mong network.

Maraming paraan upang makabuo ka ng sarili mong network o mga kaibigan, kontak at iba pang taong maaari mong makatuwang sa anumang pagdedesisyon. Huwag manghinayang sa paglalagak ng investment sa mga taong alam mong hindi man makatutulong sa iyo ngayon at mapapakinabangan mo naman pagdating ng panahon.

Time is gold, gamitin ito na singhalaga ng ginto.