DINAGDAGAN ng Department of Migrant Workers (DMW) ang halaga ng tulong pinansiyal sa distressed overseas Filipino workers (OFWs) at mga miyembro ng kanilang mga pamilya.
Sa isang post sa social media, sinabi ng DMW na ang tulong pinansiyal nito sa ilalim ng Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFWs na Nangangailangan (AKSYON) Fund ay nagkakaloob ng kagyat na ayuda sa OFWs o kanilang mga pamilya sa distressful situations.
Kasama rin dito ang OFWs na nakararanas ng economic downturn dahil sa natural disasters o human-induced emergencies, human trafficking victims, at iba pang ill-fated situations.
Ayon sa DMW, dati, ang halaga ng tulong pinansiyal ay magkakaiba, depende sa mga kaso at sitwasyon ng isang OFW.
Sa ilalim ng Department Order No. 05, series of 2024, ang standard amount ng tulong ay nasa P30,000.
“OFWs who are severely affected and/or displaced due to economic downturn or recession in the host country, bankruptcy of the company or the employer, involuntary separation from employment due to retrenchment or downsizing, closure, or cessation of operation, redundancy; OFWs who are victims of abuses, exploitation, maltreatment, or contract violations; OFWs who are victims of illegal recruitment or human trafficking, including victims of natural calamities in the host countries; and next of kin of incarcerated OFWs serving their sentence will receive assistance of PHP50,000,” ayon sa DMW.
“OFWs with severe illness, injury, or mental health condition; OFWs who experience abuse and exploitation resulting in physical disability, injuries, or mental health condition; OFWs displaced due to war, political unrest, and/or other extraordinary circumstances; and next of kin of OFWs on death row are entitled to receive a total of PHP75,000 financial assistance.”
Samantala, ang next of kin ng OFWs na nasawi sa host country dahil sa natural o accidental causes, gayundin ang next of kin ng OFWs na namatay sa loob ng isang taon mula sa pagdating sa bansa ay maaaring tumanggap ng hanggang P100,000 na tulong.
Ang DMW Aksyon Fund ay ginagamit para sa “legal, medical, financial, at iba pang uri ng tulong sa OFWs, kabilang ang repatriation, shipment of human remains, evacuation, rescue, at iba pang analogous form of assistance upang protektahan ang mga karapatan ng Filipino nationals”.
Ang tulong pinansiyal ay isang one-time immediate cash financial grant na ipinagkakaloob sa qualified beneficiaries.
“The request for financial assistance along with the required documents stated under Department Order No. 05, Series of 2023 shall be submitted onsite through the Migrant Workers Office (MWO), or to the DMW if the worker is already in the Philippines, within one (1) year after the arrival in the country,” nakasaad sa DO.
ULAT MULA SA PNA