INILAGAY na ng Department of Justice ang tinaguriang ‘drug queen’ na si Guia Gomez Castro sa Immigration Look-out Bulletin Order (ILBO).
Ito mismo ang kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra, kung saan nilinaw nito na sa ilalim ng naturang kautusan ay mamo-monitor ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpasok at paglabas ni Castro sa Filipinas.
Matatandaang, una nang kinumpirma ng BI na nakalabas na ng bansa si Castro.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Justice undersecretary Markk Perete na layon lamang ng ILBO na bantayan ang galaw ni Castro sa lahat ng paliparan at pantalan sa bansa.
Subalit, binigyang diin ni Perete na hindi naman nito pipigilan ang galaw ni Castro maliban na lamang kung mag-isyu ang DOJ ng hold departure order laban dito. DWIZ 882
Comments are closed.