SENTRO ng talakayan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Tripartite partners nito ang mga isyu sa paggawa, empleyado, industriya ng kalakalan at serbisyo.
Sa nasabing pulong, kasama ang mga grupo ng manggagawa, at sektor ng employer.
Pinangunahan ni Labor Secretary at National Tripartite Industrial Peace Council (NTIPC) Chair Bienvenido E. Laguesma ang unang taon ng pagpupulong ng Konseho, na nakatuon sa mga mungkahi na amyendahan ang draft IRR ng Service Charge Law o Republic Act 11360; ang papel ng tripartite body sa Global Coalition for Social Justice, bukod sa iba pa.
Nilalayon ng DOLE na itaguyod ang maayos na relasyon sa pagitan ng namumuhan at manggagawa at mapanatili ang kapayapaang industriyal ng bansa sa pamamagitan ng mga prinsipyo ng “tripartism” at “social dialogue”. EC