(Tinamaan ng ligaw na bala ang isang grab driver) JAKE CUENCA PANANAGUTIN, PULIS DIDISIPLINAHIN

TINIYAK kahapon ni Philippine National Police chief General Guiler­mo Eleazar na kanilang papanagutin ang actor na si Jake Cuenca kaugnay sa naganap na habulan nito sa pagitan ng mga pulis.

Kasabay nito, inihayag din ni Eleazar na didisiplinahin din nito ang mga sangkot na pulis sa insidente sa Mandaluyong City kung saan tinamaan ng ligaw na bala ang isang Grab driver bunsod ng habulan.

“First, I would like to apologize to the Grab driver who was hit by a stray bullet in this incident. I would like to assure you and your family that we will take care of all the medical expenses of your hospitalization and we shall also extend financial assistance that will also cover the period of your recovery,” ani Eleazar.

Subalit, agad na nilinaw ng opisyal na tanggap naman ng PNP ang magiging pasya ng 43-anyos na Grab driver na kinilalang si Eleazar Maritinito kung magsasampa ito ng kaso laban sa mga pulis kaugnay sa insidente.

Dahil dito, iimbestigahan ng Internal Affairs Service (IAS) ang nasabing insidente dahil kasama sa protocol ng PNP ang pagsasagawa ng pagsisiyasat sa mga operasyong may nasaktan o namatay.

“Second, I have already instructed the District Director of EPD, Police Brig. Gen. Matthew Bacay, to place all the personnel involved under restrictive custody while the investigation is being conducted. We assure the public that disciplinary measures will be imposed on the personnel involved and corrective measures will be implemented in order to prevent the repeat of this incident,” giit ng Chief PNP.

Lumilitaw na papaalis na sana ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Mandaluyong City Police sa Barangay Barangka matapos magsagawa ng anti-narcotis operations nang mabangga sila ng sasakyang minamaneho ni Jake Cuenca ns naging dahilan para sumalpok sa nakalagay na barrier sa lugar.

Subalit, sa halip na lumabas ng sasakyan, pinaharurot pa ni Cuenca ang kanyang kulay itim na Wrangler Jeep na nag­resulta ng habulan at dahilan para paputukan ng mga pulis ang gulong ng sasakyan nito upang huminto.

Sa pangyayaring ito, tinamaan naman ng ligaw na bala ang Grab driver na agad dinala sa ospital at kasalukuyang nagpapagaling.

Ayon kay Eleazar, ang ginawa ng aktor ay hindi lang kalapastanganan kundi pagpapakita rin ng kawalang disiplina at paggalang sa mga awtoridad.

“Sa iyong ginawa, titiyakin ko na mananagot ka sa pambabastos mo hindi lang sa mga pulis kundi sa batas at sa kawalan mo ng disiplina sa sarili,” diin pa ng Chief PNP. VERLIN RUIZ

Comments are closed.