TINAMAAN NG OMICRON DUMARAMI

LUMALABAS sa pinakahuling talaan ng Department of Health (DOH) na patuloy na dumarami ang mga kaso o tinatamaan ng panibagong COVID-19 Omicron sub variant na umabot na sa isang libong katao.

Ayon sa datos ng health department, lahat ng rehiyon sa bansa ay nakitaan ng nasabing sub variant ng Omicron maliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa kabuang bilang na 1,011, mahigit 600 ang fully vaccinated, 12 ang partially vaccinated at 3 naman ang hindi pa nababakunahan habang inaalam pa ang vaccine status ng iba.

Napag-alaman naman ng DOH na sa mahigit 1,000 kaso, recovered na ang 907, habang may naka isolate na 53, 2 binawian ng buhay habang patuloy na inaalam ang estado ng iba pang indibidwal.

Kaugnay pa rito, nasa 19 naman ang naitalang bagong kaso ng ba.4 sub variant ng omicron kung saan namataan ito sa Region 12, Region 5, Region 6 at Cordillera Administrative Region (CAR). Sa nasabing bilang, l3 ang fully vaccinated, 1 ang partially vaccinated habang inaalam pa ang vaccination status ng iba.

Samantala, inaalam pa rin ng DOH ang exposure, travel histories at health status ng mga nasabing mga bagong kaso. PAUL ROLDAN