TINAMAAN NG TIGDAS 13K NA

TIGDAS

PUMALO na sa bilang na 13,470 ang kabuuang kaso ng mga tinamaan ng Tigdas sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa pinakahuling report ng DOH, sa naturang bilang, 203 na rito ang namamatay mula Enero 1 hanggang Pebrero 22.

Ayon kay Health Spokesperson Undersecretary Eric Domingo, nito lamang unang linggo ng Pebrero ay umabot na sa  4,300 ang kaso ng naturang sakit.

May pinakamaraming naitalang kaso  sa Region 4A (Calabarzon), National Capital Region (NCR) at Cagayan.

Unang idineklara ang measles outbreak sa Metro Manila, ilang bahagi ng Central Luzon at Central Visayas matapos na dumami ang mga batang nagkakasakit ng tigdas at namamatay dahil karamihan sa mga ito ay hindi nabakunahan.

Dahil dito, nagkaroon ng mass vaccination ang DOH sa mga komunidad, barangay, eskuwelahan  at maging sa mga fast food chain na target mabakunan ang milyon-milyon pang mga bata sa buong bansa. PAUL ROLDAN

Comments are closed.