TINAPYAS NA BUDGET NG COMELEC IPINABABALIK NG KAMARA

ISINULONG ng mga miyembro ng House Appropriations Committee na ibalik ang tinapyas na pondo mula sa panukalang 2022 Budget ng Commission on Elections.

Ito’y sa gitna ng preparasyon ng Comelec para sa 2022 national elections kahit may COVID-19 pandemic.

Mula sa hirit na P41 bilyon  ng Comelec, sumadsad ito sa P26 bilyon matapos tapyasan ng Department of Budget and Management ng P15 bil­yon.

Ayon kay committee chairman at Surigao Del Norte Rep. Francisco Matugas, dapat lang ibalik ang kinaltas na pondo lalo’t malaking hamon ang pagsasagawa ng halalan ngayong may pan-demya.

Nagkaisa ang mga committee member na mas makabubuting ibalik ang pondo upang ma­dagdagan ang pambili ng mga makina upang mabawasan ng 800 botante ang bawat cluster precinct at maiwasan ang hawahan sa Covid-19.

Dagdag pondo rin ang kailangan para sa pag-hire ng karagdagang gurong magsisilbing election board officer bukod pa sa hiling nilang dagdag hazard pay at honorarium.

4 thoughts on “TINAPYAS NA BUDGET NG COMELEC IPINABABALIK NG KAMARA”

Comments are closed.