(Tinawag na discrimination) OFWs SA HONG KONG PINABABAKUNAHAN LAHAT

IGINIIT ni Senador Joel Villanueva na diskriminasyon para sa overseas Filipino workers (OFWs) ang plano ng Hong Kong government na bakunahan ang lahat ng domestic workers.

Ayon kay Villanueva, dapat ay hindi sa kapritso lang ng gobyerno ang pagkasa ng vaccination rollout kundi sa talagang pangangailangan.

“It should not be made a requisite for work visa renewal more so if other foreigners in that country are exempted from mandatory vaccination. It is patently discriminatory,” sabi ng namumuno sa Senate Committee on Labor.

Giit pa ng senador, dito sa bansa ay walang pilitan sa mga dapat bakunahan at ang ginagawa ng gobyerno ay pagkumbinsi lang sa mga kailangang maturukan ng COVID 19 vaccines.

Unang inianunsiyo ng health officials ng Hong Kong ang planong gawin mandatory ang pagpapabakuna sa foreign domestic workers sa pagpapa-renew o pag-apply ng working visa sa katuwiran na ang mga ito ay ‘high risk.’ LIZA SORIANO

Comments are closed.