PERSONAL na sinilip ni PNP Regional Director PBGen. Jose Hidalgo Jr. ang ilang mga tindahan ng paputok sa Brgy, Turo, Bocaue Bulacan, apat na araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Sinabi ni Hidalgo na mahigpit nilang babantayan ang firecracker capital ng bansa upang matiyak na hindi magdudulot ng pinsala ang paggamit ng paputok.
Ipinakita rin nito, ang mga bawal na paputok kabilang dito ang Pla-pla,bawang, Super Lolo,Kabase at Goodbye Philippines.
Aniya, kailangan ng ibayong pag-iingat ng publiko sa pagamit ng paputok ngayong Bagong Taon.
Katuwang ng PNP Bulacan ang Bureau of Fire at LGU sa pagbabatay sa mga lugar ng bentahan ng firecrakers and phyrotechnics. THONY ARCENAL