NILUSOB ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang isang tindahan ng high-end gadgets sa Binondo na hinihinalang nagbebenta ng mga smuggled na produkto.
Isinagawa ang raid kamakailan kung saan nakumpiska ang mga produkto ng Apple, Xiaomi, at Samsung na wala umanong dokumento na binayaran ng tamang buwis.
Mahigit isang buwan na nagmanman ang mga taga-BOC sa naturang tindahan kaya nakumpirmang smuggled ang mga produkto nito.
Binigyan ang may-ari ng establisimiyento hanggang Agosto 14 upang magpakita ng ebidensiyang nabuwisan ang mga imported niyang gadgets.
Bukod dito, nadiskubre rin ng mga awtoridad na mayroong 15 umano’y undocumented na Chinese national na nagtatrabaho sa tindahan.
Sa 15 undocumented Chinese national, siyam umano rito ang mayroon lamang na tourist visa, 3 ang walang dokumentong maipakita, 2 ang may 9G visa, at 1 ang may Special Working Permit.
Nasa kustodiya na ng Bureau of Immigration ang mga banyaga para maibestigahan.
Comments are closed.