TINDAHAN NG TSAA NI ELLA CRUZ

NOONG August 14, 2019, umuwi ang Viva actress na si Ella Cruz sa kanyang hometown sa Bustos, Bulacan upang buksan ang bago niyang business venture, ang Tea Tops Milk Tea + Everything store.

Dahil A K-Pop fan si Ella, siniguro niyang incorporated ang maraming K-Pop elements sa kanyang pink-and-torquiose store na natitinda hindi lang ng milk tea, kundi masasarap na merienda. Meron din ditong arcade games, at Z-culture shop kung saan ka makakabili ng Funko pops at iba pa.

“Kaya may plus everything sa title,” paliwanag ni Ella. “And since K-Pop fan ako, marami kaming K-Pop elements…we have a TV screen where they can watch K-pop music videos… Tapos, meron kaming flavors called the K-Pop series, so may Black Pink, BTS, XO…”

Talagang ipinagmamalaki ng Cinemalaya 2019 best supportive actress (Edward) ang kauna-unahan niyang business venture. Madalas siya dito para makipag-selfie sa mga customers. Lucki­ly, matandain sa pangalan si Ella, kaya natatandaan niya ang karamihana sa frequent customers. Minsan pa nga siya mismo ang kumukuha ng orders. Suportado naman siya ng kanyang boyfriend na si Julian Trono na lagi niyang kasama. Siya pa nga ang nagbi-video sa aktres at nag-a-upload sa Youtube at Facebook.

By the way, game na game raw si Ella sa mga challenging roles matapos siyang manalo ng best supporting actress sa           Cinemalaya.  – NV

73 thoughts on “TINDAHAN NG TSAA NI ELLA CRUZ”

  1. 172116 596215This really is the suitable weblog for anybody who needs to seek out out about this topic. You notice so considerably its virtually laborious to argue with you (not that I truly would wantHaHa). You undoubtedly put a brand new spin on a topic thats been written about for years. Fantastic stuff, just wonderful! 831103

Comments are closed.