TINDERA HINOLDAP NG DALAWANG ADIK

BULACAN – ­ARESTADO sa follow up operation ng mga pulis ang dalawang lalaki at ang kasabwat nito na isang 15-anyos  na babae na nangholdap sa isang tindera sa  Brgy. Caypombo, Sta.Maria.

Sa report ni P/Lt.Col. Omar Fiel,  kinilala ang mga suspek na sina Marlon Pambid, 31-anyos, construction worker,  ng Pag-asa,Quezon City, at Jay-R Alcantara, 36-anyos,  residente ng Brgy. Caypombo at ang menor na babae habang ang biktima ay nakilalang si alyas  Weng, nasa hustong gulang, tindera ng damit.

Base sa mga pulis, isinarado ng mga suspek ang roll up door ng tindahan saka nagdeklara ng holdap kung saan tinangay ng mga suspek ang isang plastic ng damit na tinata­yang aabot sa halagang P20,000.

Bukod dito pinaghahalikan at hinipuan sa mga maseselang parte ng katawan ang tindera ng suspek na si Pambid.

Positibong inamin ng dalawang kawatan na gumamit muna sila ng shabu bago isinagawa ang panghoholdap at pangmomolestiya.

Habang nagsilbing lookout ang menor na pamangkin ng isa sa mga suspek.

Makalipas ang isang oras nadakip ang tatlo at narekober  ang isang bundle ng assorted clothes, drug paraphernalia at replikang baril.

Isinampa sa mgfa suspek ang mga kasong robbery o R.A 10591 dahil sa paggamit ng replikang baril, anti-fencing law, acts of lascivousness dahil sa panghahalik at panghihipo ng isa sa mga suspek.

Habang ang menor ay sasampahan ng pagnanakaw at inilipat na sa kustodiya ng DSWD. THONY ARCENAL

Comments are closed.