LAGUNA – PAGHIHIGANTI ang tinitignan umanong motibo ng pulisya sa naganap na pamamaril ng hindi pa nakikilalang suspek sa 23-anyos na tindero sa Bgy. San Ignacio lungsod ng San Pablo kamakalawa ng gabi.
Ayon sa ulat ni PLt. Col. Elmer Bao, hepe ng pulisya, nakilala ang biktimang si Christian Habilogan, residente ng Bgy. Sta. Elena.
Sa isinagawang pagsisiyasat ni P/MSgt. Henrico Gaspar, may hawak ng kaso na naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi habang nasa kanyang kubo ang biktima kasama ang isang kaibigan nang biglang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ng malapitan hanggang sa mapatay si Habilogan.
Agad na tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo patungo ng kabayanan habang ang biktima ay naiwan na nakahandusay sa loob ng kubo at hindi idinamay kasama nito.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa kaso para sa agarang pagkakakilanlan sa suspek. DICK GARAY
Comments are closed.