Tinikling, a dance of identity

ANG  tinikling ay isang traditional Philippine folk dance na meron na tayo bago pa dumating ang mga Kastila.at least apat na tao ang kasama sa sayaw na ito, kung saan ang dalawa ay nakatoka sa pagmamanipula ng kawayan at ang dalawa naman ay nagsasayaw sa kawayan. Kinakailangan ang koordinasyon ng apat na kasali at kung hindi ay maiipit ang paa ng mga nagsasayaw.

Sinasabing ang sayaw na Tinikling sa representasyon ng pagtatangka ng mga magsasakang Filipino na itaboy ang ibong Tikling na nooy sitanbf umuubos sa pananim nilang palay. Ginagaya umano ng mga magsasaka ang galaw ng nasabing ibon habang tinatahak ang mga pilapil. Kalaunan ay naglagay na rin ng bamboo traps upang mahuli ang mga tikling, ngunit napakahusay nilang umiwas sa mga patibong.

Kalaunan ay natuwa ang mga magsasaka habang pinagmamasdan ang mga ibong napakahusay umiwas sa panghuling kawayan, at hindi naiwasang sa pagdaan ng panahon ay ginawan na rtin nila ito ng sayaw sa saliw ng gitara at tunog ng kawayan.

Sa ngayon, itinuturing ang Tinikling na Pambansang Sayaw sa Pilipinas. Nadiskubre ito ni Francisca Reyes-Aquino nang magtungo siya sa Leyte noonbg 1927. Inilarawan niya ito sa kanyang aklat na sinuportahan ni dating University of the Philippines Jorge Bocobo, at ngayon nga ay kinikilala na sa Pilipinas at sa buong mundo bilang isang sayaw na pagkakakalilanlan ng mga Filipino.

Bilang pambansang sayaw, makikita sa Tinikling ang husay at ganda ng bawat bagsak ng paa, na kung walang koordinasyon ay maiipit sa kawayan. Masaya at mapaglaro ang nasabing sayaw kaya kinagigiliwan ito ng madla saan mang panig ng mundo sayawin. Isa ito sa mga natatanging sayaw sa Pilipinas, kung saan inilalarawan ang kasaysayan at kultura ng mga Filipino. Ipinakikita ng sayaw na ito ang kaluluwa ng tao – sa pamamagitan ng pagbata sa paghihirap at kalaban sa masayang paraan – sa makasining at mahusay na pamamaraan. Inilalarawan din dito core values ng Pilipinas: kalikasan, buhay at pagsasaka. RLVN