TINIYAK ng pamunuan ng MRT-3 na lig- tas sumakay sa kanilang mga tren sa ka- bila na tinamaan ng COVID-19 ang ilang tauhan ng kanilang depot sa Quezon City.
Ayon sa pamunuan, mahigpit na ipinatutupad ang disinfection process sa MRT kaya walang dapat ipangamba ang mga pasahero.
Bukod dito ay mahigpit ding iniimplenta ang health protocols sa mga sumasakay ng tren, gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield, at pagbabawal sa pagsasalita at pakikipag-usap.
Sinabi ni Transportation Undersecretary Timothy John Batan na wala rin namang nagpositi-bong empleyado sa mga istasyon.
Magugunitang nagpositibo sa virus noong nakaraang linggo ang mahigit sa 40 empleyado ng MRT depot sa ilalim ng isang mall sa Quezon City, kabilang ang anim mula sa maintenance ser-vice provider at 36 office personnel.
Nagpositibo rin sa COVID-19 at nakarekober na sina MRT director for operations Michael Capati at general manager Rodolfo Garcia.
Comments are closed.