(Tiniyak ng bagong hepe ng NCRPO) DRUG CAMPAIGN TULOY

Debold Sinas

NANGAKO ang bagong talagang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Brigadier General Debold Sinas na kanyang ipagpapatuloy ang kampanya ng kapulisan laban sa ilegal na droga.

“The anti-illegal drugs operations will remain in focus with the strengthening and revitalization of units involved in law enforcement and apprehension of high-value targets,” pahayag ni Sinas kahapon sa isinagawang chage of commands sa NCRPO.

Pinalitan ni Sinas si Major General Guillermo Eleazar na itinalaga naman bilang hepe ng directorial staff ng PNP.

Si Eleazar ay isa sa apat na contender bilang bagong PNP chief.

Galing si Sinas  sa Philippine Military Academy “Hinirang” Class of 1987, at  nagpahayag din na kaya ring ipatupad ang mahigpit na disiplina sa kapulisan sa loob ng lahat ng kampo kasama na ang lahat ng police stations at presinto sa area of responsibility ng NCRPO.

“Police personnel who face criminal and/or administrative cases filed against them while in the performance of official duties can expect direct legal assistance,” ani Sinas.

Inihayag din ni Sinas na kanyang ipagpapatuloy ang mga naumpisahang kampanya laban sa lahat ng krimen at pagbabago sa kapulisan ni Eleazar. MARIVIC FERNANDEZ