(Tiniyak ng BFAR) ISDA MULA SA MANILA BAY LIGTAS KAININ

LIGTAS kainin ang isda at iba pang seafood products mula sa fishing areas na nakapalibot sa Manila Bay na potensiyal na naapektuhan ng oil spill sa Limay, Bataan noong July 25, 2024, ayon sa Department of Agriculture–Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR).

Sinabi ng BFAR na lahat ng samples ng isda, crustaceans, cephalopods, at shellfish na nakolekta noong August 27 mula sa Bacoor City, Cavite City, Noveleta, Rosario, at Tanza ay ligtas.

Ito ay makaraang magsagawa ng serye ng monitoring activities at analyses upang masiguro ang kaligtasan ng pagkain ng isda at iba pang seafood products mula sa fishing areas na nakapalibot sa Manila Bay.

Ang mga isda at iba pang seafood products sa mga lalawigan ng Bataan, Bulacan, Pampanga, Batangas, at Metro Manila, gayundin sa mga bayan ng Naic, Ternate, Kawit, at Maragondon sa lalawigan ng Cavite ay idineklara na ring ligtas kainin.

“Fish and other seafood products in the provinces of Bataan, Bulacan, Pampanga, Batangas, and Metro Manila, as well as municipalities of Naic, Ternate, Kawit, and Maragondon in the province of Cavite, which have already been declared safe for human consumption through Bataan Oil Spill Bulletin No. 4 dated August 13, 2024 and Bataan Oil Spill Bulletin No. 5 dated August 22, 2024, respectively, remain safe for human consumption based on the result of latest analyses conducted by the DA-BFAR,“ pahayag nito sa isang statement.

“Based on the stated results, the public is therefore informed that fish in ALL areas in Manila Bay potentially affected by the oil spill are now safe for human consumption,” dagdag pa nito.